Lumipat na ako…. Pebrero 17, 2008
Posted by emperorbananaketchup in blogging.add a comment
Para sa inyong kaalaman, matatagpuan na ako rito sa site nito:
Ang Paglalakbay Ng Isang Dayuhang Kayumanggi
Doon matatagpuan halos pareho mga posts rito at lahat ng bagong dagdag. Kung gusto ninyo sumagot sa mga posts ko rito, sa kabila mo na mag-post.
Salamat….
Paalam, Joker…. Enero 23, 2008
Posted by emperorbananaketchup in pelikula.Tags: artista, Batman, Brad Renfro, Christopher Nolan, Heath ledger, Hollywood, Ichi the Killer, Johnny Depp, Joker, Kakihara, The Dark Knight, Tim Burton
add a comment
Kawawa naman si Heath Ledger.
Kapapaalam lang si Brad Renfro (isang dating child actor na di nga nakakaasam sa katuktokan ng kanyang karir sa sine), ngayon, binisitahan ni Kamatayan si Heath Ledger.
Itong Australyanong ito, na hanggang kailan lang ay nakabase sa Brooklyn, NY, ay kinunan lang sa kanyang apartment sa Manhattan dahil daw sa pag-o-overdose sa sleeping pills. Idadaan siya sa autopsy mamayang hapon. Sa edad niyang 28, nagkaroon na siya ng 2 taon na gulang na anak na si Matilda (onga – Australyanong-australyano pa ang pinili niyang pangalan) sa dating kasintahan niya na si Michelle Williams.
Kanonominate lang siya sa Oscar para sa papel ni ginampanan bilang isang silahis na koboy sa “Brokeback Mountain” (na kung saan gumanap rin si Michelle bilang misis niya), kinuha siya ng direktor ng “The Dark Knight” na si Christopher Nolan para gumanap bilang si Joker.
Kung makikita mo rito sa trailer, ang dating ni Ledger bilang si Joker ay medyong mas matindi pa kina Jack Nicholson sa unang “Batman” ni dinirek ni Tim Burton. Sa itsura lang, akala mo medyo ininspira siya ni Kakihara sa pelikulang “Ichi the Killer”.

Ganyan ang trato mismo sa karir ni Heath. Kahit sa kabataan niya, iniwas siya sa mga pa-cute na papel, pumipili siya ng mga karakter na medyo me kalaliman. Sayang naman, may balak naman siya sumunod sa yapak ni Johnny Depp. Sa totoo lang, sa isang interview sa New York Times, umamin na nag-sle-sleeping pills siya habang sinu-shooting niya ang “The Dark Knight” kasi medyo na-apekto siya sa pagka-sira ulo ng karakter niyang ginampanan na si Joker.
Para sa iyo, pareng Heath,
Pinoy….pang Asian ba o pang African-American Enero 14, 2008
Posted by emperorbananaketchup in musika, pelikula.Tags: Asian, basketball, cultural identity, Dreamgirls, hip hop, Intsik, John Cho, Koreano, Noypi, Pinoy, Prince, Sharon Leal, ugali
add a comment

Kanina lang kababasa ko na ang co-star sa pelikulang “Dreamgirls” na sa Sharon Leal, gumanap rin siya sa 2 ring pelikula pagkatapos roon na pawang mga African-American mga cast. E, di ba, noon pinalabas ang “Dreamgirls” rito kinaguguluhan si Ms. Leal dahil sa me halong siyang Pinoy na dugo.
‘Di lang ito pangkaraniwan…ilang beses narinig ko sa ibang mga posts na ang musikero na si Prince at pati ang rapper na si Ja Rule, me halong Noypi sa dugo. Baka – lalo nga kina Prince - iyan ang dahilan ng kanilang pagkahusay.
Minsan iniisipan mo ba ang tingin ng mga Pinoy-American sa mga casting agents sa Hollywood. Malamang di kami mamadaling mapagkamaliang typical na “Asian” na tinuturing pawang mga Intsik’t Koreano sa US (sa Inglatera naman, ang tinuturing doon mga “Asian” ay ang mga East Indians).
‘Di madaling ma-i-pigeonhole mga Pinoy sa mga roles na isang nerdy-nerdy na singkit katulad na pinoportray ni John Cho.
Madalas ko lang nakatagpo mga Fil-Ams na mahilig sa mga katulad ng baseball (kahit mayroon kaming kababayan na si Benny Agbayani na dati lumaro para sa NY Mets at ngayon na sa isang team sa Japan), country music at NASCAR racing. Baka ang isa sa mga dahilan roon ay parehong hilig ng mga Itim’t Pinoy sa basketball at hip hop.
Kaya nga, karamihan mga pop station dito sa Metro Manila, puro R&B at hip hop ang tinutugtog nila. E, matagal na kuha ang American R&B sa pagpaalab ng pusong Pinoy. Swak na swak masasabi mo.
Pero di mo maiiwas na pati minsan me mga ugaling na napupulot rin na di ko gaanong nagustuhan - katulad ng pagiging masyadong maluho lalo nga sa pag-aabubot. Kung marami ka makikita mga rappers mahilig yabangin mga “bling” nila pati mga “rims” ng kanilang kotse, ikinalulungkot ko na pati yan minamana natin sa kanila – lalo nga sa kabataan.
Eh sana huwag tayo masyadong lumayo sa mga ugaling na naging dahilan ng mga tagumpay ng kapuwang bansa natin sa Asya. Di naman masama ang pagiging makaaral at palaging honor student (lalo nga pagdating sa math at siyensya). Maganda ng kung ang pagiging pagpalikha natin sa larangan ng sining ay dapat husayin,
Isang buwan na lumipas…parang buong taon na!!! Enero 6, 2008
Posted by emperorbananaketchup in Life, review.Tags: 512 kbps, cellphone, myDSL plan 1299, plan 1299, PLDT myDSL, PSP, SE w810i, Sony Ericsson, w810i
add a comment
Haaay….itsinugi na ang ‘07, pasok na sa ‘08!!!
Ayun na…
Sa pagpasok na na ‘07, nakapalit na ako ng cellphone mula sa low-tech kong Nokia (b&w ang screen, wala pang camera!!!) hanggang sa SE w810i. Kahit second hand man, ok naman ang takbo kahit di ko masyadong nagandahan sa ilang features rito. ‘Di ko maandaran ang radyo at madali ako nakornihan sa mga games rito. Pero naaakit ako sa ka ng memory rito – kaya nito ang aking 2gb na memory stick ko. Sa kaydaming kong musika naload rito, parang iPod ko na ito. ‘Di lang iyan, naaliw rin ako sa camera kahit minsan naliitan ako sa kuha nito (takot ako na magbabagal kapag pinalaki ko sa settings).

Mabuti naman nakakuha rin ako ng sariling kong PSP. Oo nga, nasuwertehan ako na nakatagpo ako binebenta sa halagang Php 10,000 sa eskinita ng ATC na kung saan rin ko nabili ang w810i ko. Honga, 2nd hand rin, pero maganda ang pagtakbo nito. Ang sistema nito noong binili ko ay 2.6, dinowngrade ko sa 1.5, na-upgrade sa 3.35 at sa huli sa 3.71 m33-4. Ang daming kong games na nakalaro ko rito, pero ang pinakamadalasang kong linalaro ay mga RPG katulad ng Jeanne D’Arc at (sa ngayon) Disgaea, Afternoon of Darkness.
Ngayong pasok ng bagong taon, nadesidido na nga ako kumuha ng DSL na Internet. Sa paglipas ng buwan, nabigla na nga ako kung bakit bumagal ang dial-up connection ko. Dati nakaabot ako sa 52kbps (kadalasan, 50kbps) pero pagdating ng Disyembre, bumagsak hanggang sa 16kbps. Nalaman ko pala na mga tubong na kung saang dumadaloy mga linya ng telepono sa dingding ng bahay, na-short circuit na nga. Kaya nga pinili ko ang PLDT myDSL plan 1299. Binusisihan ko na mabuti, nagsipagtanungan ako sa mga kapitbahay, kaibigan at pamangkin. Ang bilis nito’y 512 kbps, may isang taong pa ako free na NDD calls pa. Minsan naririnig ko na di maasahan ang tech support rito pero sabi ng ilang mga may-ari ng mga cybercafe sa tabi-tabi tama nga ang bilis nito, lalo nga pag dumadownload at mag-YouTube ka. Sinubukan ko – maganda na nga ang pagtakbo ng video di katulad noong tumitiis pa ako sa dial-up.
Sa ngayon, wala pa akong balak mag-MMORPG…sa totoo lang, wala akong oras para sa iyon, lalo nga kayraming akong binabalak sa buwang nito, katulad ng pagpasok uli sa gym. Eh paano ako gaganahan mag-gym kapag laging akong harap sa computer nga?
Nakakasawa…nakakaawa…nakakainis!!!! Disyembre 1, 2007
Posted by emperorbananaketchup in TV, pulitika.Tags: ANC, Archbishop Oscar Cruz, Bishop Labayen, curfew, Fr. Robert Reyes, Gen. Danny Lim, GMA, kilos-protesta, Manila Peninsula Hotel, media, National Heroes Day, Pres. Gloria Macapagal Arroyo, reporters, Sen. Antonio Trillanes, Teofisto Guingona
6 comments

Nang pauwi ako sa bahay noong Huwebes, nabigla na nga ako sa balita na napanood ko sa ANC tungkol sa katarantaduhang ginawa ni Sen. Antonio Trillanes, Gen. Danny Lim & dating bise-presidenteng Teofisto Guingona (Balak ko sana tuluyan ang panonood ko ng Ugly Betty Season 1 sa Star World).
Pinapaulit ang kanyang hiling na sana bumaba sa pakapangulo si Pres. Arroyo. O ayan, sumagot si Pangulo – linusob ang lobby ng Manila Peninsula ng isang APC. Akala ko isang Jerry Bruckheimer production sa pagpapasok ng militar – mistulang SWAT o Miami Vice. Kulang na lang si Colin Farrell.
Kita mo nga di lang nakikipagsawsaw si Archbishop Oscar Cruz at si Bishop Labayin…a este, Labayen, aba e sumulpot pa ang Fr. Robert Reyes! Ang akala ko nagtuturo na lang siya ng Ingles sa mga kabataan sa Tsina, umapir ang kanyang byuti na mistulang kabuteng inuulanan.
Bagong magdilim naman, napatapos na ng lahat, mga bida’y isa’t isang pinapasok sa police van, pati mga TV reporters na umulat tungkol sa kabalbalan ni “Senator” Trillanes (na dapat paluan sa puwet ni Sen. Miriam Defensor-Santiago). Eh mabuti na doon nga maraming mga taga-media, sila mismo ang nagiging sagabal sa paghuhuli kay “Triller” ng puwersang AFP . Sana naman kung sinong mga ilang-ilyong tanga na bumoto kay “Triller” bakit maski isa sa inyo nakikipagtulong sa idolo ninyo noong nahahalata na di na siya makakagalaw kung walang mga “human shield” sa paligid niya?
Sa susunod ng araw, bilang paggunita ng National Heroes Day, dapat magkikilusan na mga ang mga iba’t ibang anti-Arroyo na ek-ek brigades. Puwera nga, ‘yung mga ringleader rito, wala isa sa kanila nagsirating…yung mga tatlong duwag na de-sutana pa, palibhasa’t wala ang sundalo nilang fafa, tinamad na nga!
Noong pumasok ako ng Huwebes na gabi (buti na nga, ligtas sa curfew), nagusap kami mga ka-opisina ko tungkol sa nangyari noong araw na iyon…o ayun, naiintidihan ko na kung gaanong kalakas ang sigaw mo laban sa kasalukuyang administrasyon, di gaanong kadali matumba si GMA. Pandak naman siya, isang Assumptionista, pero mautak talaga siya…parang si dating pangulong Ramos (marami daw simisitsit na si Ramos ang totoong kagagalingan ng lakas ni GMA) . Di mo madaling paikutin o pabilugin ang ulo (eh matagal kasi bilog e). Alam ni GMA na watak-watak na ang oposisyon, suko na nga si Erap (dahil sa sobrang inom ng alak at pag-se-sex)…walang maituturing matinong puwedeng ipalit sa kaniya kahit sukang-suka na ang mamamayan sa kanya.
Eh pati rin ako…kaya nga di na ako sumisimba. Ang suspetsa ko kayraming mga pari ngayon sa Simbahang Katoliko, me ambisyong mamumulitika. Eh kundi mga taga-CBCP noon panahon ni Cardinal Sin (SLN) na lumuklok kay Pangulong Arroyo, me mga ilan rin ngayon na sumasawsaw sa mga rally’t kilos-protesta na kapit-bisig nila mga komunista pa (Kawawa naman ang kaluluwa ni pareng Karl Marx) at mga Erap loyalists!
Eh aber…balik sa programang palaging kong sinubaybay….
Bohemyo goes to the mubis: si Beowulf —- DYUUUTAAAY!!!! Nobyembre 23, 2007
Posted by emperorbananaketchup in pelikula, review.Tags: action figure, Angelina Jolie, Beowulf, CGI, fan service, Grendel, King Hrothgar, Robin Wright Penn, Sir Anthony Hopkins, tula, video game
add a comment

Hay naku…kaytagal tagal ako di nakikipag-post!!!!
Kaydaming-daming nangyari sa akin na pwede kong i-e-esplika sa mga susunod na posts ko.
Noong Linggo, napanood ko ‘yung bagong pelikula na binubulun-bulungang mala-”3oo” ang dating. Napaka-astig mga credits rito…sina Neil Gaiman, ang manunulat na lumikha rin sa “MirrorMask” at “Stardust” at si Roger Avary, na nagtulong sa pagsusulat ng “Pulp Fiction” at nagdirek sa “Killing Zoe”…at si Robert Zemeckis, isang batikang direktor na naglikha ng “Who Framed Roger Rabbit”, “Back To The Future” at “Forrest Gump”.

Hango naman it sa isa sa mga pinakamatanyag na tulang epiko sa wikang Ingles…di ko naman alam kung nadatnan mo noong nag-aaral man kayo. Sa tulang nito (pasensya, medyo nalilimot-limot ko na yung alaala ko noong araw na ‘yon) , ang sentro nito’y tungkol sa paghahahnap at pagtatagpo ni Beowulf kay Grendel.
Aba – ang problema lang, nagsulpot ang ina ni Grendel, na binobosesan ng napakaakit-akit na si Angelina Jolie (aba, masdan mo sa kapanahunan iyon, pinauso niya ang high heels!!!). Itong damuhong Grendel na ito (para siyang anak sa labas ni Gollum sa isang babeng kapre), akala mo kung sinong siga-siga naman siya, isang dambuhalang IYAAAKIN!! Mas masahol sa Meadhall ni Haring Hrothgar (Sir Anthony Hopkins) pa siya kay Borgy Manotoc pag inaamats siya sa Embassy!!! (ispoiler para sa di pa napanood) Eh ang (putang) ina ni Grendel, nagsilampungan siya noon kay Haring Hrothgar, kaya nga isinilang si Grendel!!! (o sige, tapos na ang ispoiler). Habang lumalakad si Beowulf parang patayin ang mga sugo ng kadiliman, doon kumakalat ang reputasyon niya bilang tagasugpo ng mga kahalimawan. Eh si Haring Hrothgar, malakas ang salamat niya kay pareng ‘Wulf, kaya nga di lang ang kanyang trono binigay niya sa kanya, pati’t asawang niya na si Wealthow (Robin Wright Penn) at isang cup na mistulang horn o trompeta.
Kay dadaming eksena roon napakadugo, pero nga di umaabot sa katindian ng “300″ na nagsiliparang mga bisig’t binti; baka kasi napakalakas ang pagka-CGI rito (’yung galaw ng mga artista, kinuha sa “motion capture” o “mocap”). Kadalasan, akala ko parang “Shrek” na pinagawang “pang-adults”. Maraming eksenang may kahubaran, lalo nga si Angelina Jolie bilang ina ni Grendel (oo nga, hubo’t hubad, pero naka-high heels pa!!). Nagkaroon pa mismo ng nakakatuwang subplot na kung isa sa mga tauhan ni Beowulf sinubukan niya tsinansing isa sa mga katulong sa Meadhall (na parang inuman ng Hari noon, bimubuksan para sa mga kapiling-pili niya); nahihinayang ako kung papaano mahahawakan ang eksenang iyon kung Studio Gainax ay nagpatulong (aba, nagaalog-alog!!!) .
Sa tingin ko…okey naman, pero may pagkakakulang kung maihambing mo sa Final Fantasy: Advent Children (na di ko pa napanood sa kabuuan nga) o kahit sa Appleseed (’yung bersyong mas bago) . Pero naman, kahit may sinasabing masyadong binababoy ng mga screenwriters sa orihinal na material, dapat pinasalamatan sila sa kahirapan nila ipapasarapan ang tulang ito sa mga manonood ngayon na masyadong malikot ang attention span nila (makikita ko nga…Beowulf action figures!!! Beowulf video game – in all platforms).
Cool ka lang kayo, ‘tsong…. Oktubre 4, 2007
Posted by emperorbananaketchup in TV, musika, pulitika.Tags: Alec Mapa, Britney Spears, Conan O'Brien, Desperate Housewives, hypocrisy, Jay Leno, racism, slur, Studio 23, Susan Mayer, Teri Hatcher, Wisteria Lane
add a comment
Alam mo, matagal ako naging fan ng top-rated TV series sa US na “Desperate Housewives”, kaya nga noong ipinabalita na ang Studio 23 rito ay papalabasin ang ika-apat na season ng ilang linggong agwat pagkatapos pag-labas sa ‘Tate, parang napatalon na nga ang puso ko sa pagsusubaybay ng mga taga-Wisteria Lane.
Puwera nga, napabigla rin ako sa paghayag na may masamang sinabi ang isa sa mga lead characters roon na si Susan Mayer (na pinaganap ni Teri Hatcher) tungkol sa mga medikong taga-’Pinas. Bilang isang kapuwa-Pilipino, medyo na-dismaya ako sa contexto na panananlita, na kunwari’y minamaliit nga ang kakayahan ng mga medical schools rito.

Base sa report ng Yahoo! News tungkol rito, ito ang naging dialogue ni Susan sa kanyang ob-gyne.
Gynecologist: Listen, Susan, I know for a lot of women the word `menopause’” has negative connotations. You hear `aging,’ `brittle bones,’ `loss of sexual desire
Susan: OK, before we go any further, can I check these diplomas? Just to make sure they aren’t, like, from some med school in the Philippines?
Sa totoo lang, lalo akong na-tu-turnoff ako sa biglang pagsasakay ng mga pulitiko sa isyung iyan. Aba, aber, saan naman sila kapag me kapuwa-Pilipina na minamaltrato sa mga malalayuang bansa katulad ng Kuwait o Nigeria? Sa pagpasok nila at ang pagpalawak ng isyung iyon, karapat-dapat tignan ang sarili natin sa salamin at suriin ang totoong contexto ng pananalita ni “Susan”. Dapat huwag tayo maghuhusga ng isang tao base sa karakter pinagagampanan niya sa isang TV show; ang papel naman ni Susan roon ay isang palaging palpak at sawi, maski sa pag-ibig man o kahit anu’t anong pinaplano niya. Iba naman kung ang salita’y katulad ng ipinahayag ni Clare Danes sa ilang magasin ilang taong lumipas tungkol sa pag-shooting nila ng “Brokedown Palace” sa Pilipinas, nagsasalita siya bilang totoong tao at di bilang isang karakter sa pelikula.
Sa totoo lang, dapat huwag tayong ganyang ka-pikon…hindi pangkaraniwan na ipa-mention ang Pilipinas sa isang TV show – lalo nga isang top-rater katulad ng Desperate Housewives (sa 2nd season, ang Fil-Am na actor na si Alec Mapa gumanap roon bilang isang baklitang assistant kay Gabrielle Solis). Kung sa bagay, di ba dapat magreklamo rin mga Bumbay sa mga ila’t ilang jokes ni Jay Leno at Conan O’Brien tungkol sa mga PC tech-support lines na kadalasan ino-outsource sa India?
Puwera nga, ka-i-issue lang ang ABC Studios na isang pahayag na pagpahinging-tawad nila sa mga Pilipinong manonood man o hindi tungkol sa linyang iyan.
Sa kabilang bakod naman, na-mention ang Pilipinas sa isang bagong kanta ni Britney Spears mula sa susunod niyang CD na pina-leak sa Internet. ’Yung kantang iyan, na pinamagatang “(Everyone Wants A) Piece of Me” ay bumbanat mismo sa mga paparazzi na matagal na sumusunod sa kanyang mistulang mga asong gutom. Doon ang sinasabi niya magandang magtago rito para umiwas sa silaw ng mga camera.
Mga 20 o higit pa na bagay gagawin ko kung maging Pangulo ako ng Pilipinas Agosto 26, 2007
Posted by emperorbananaketchup in TV, pulitika.Tags: Philippine film, pelikulang Pinoy, Philippine elections 2007, Pangulo, batas, Lina Law, jeepney, public transport, flood control, baha, agrikultura, information technology, broadband, ManilaTonight, bulletin board, posting, Prostitution, divorce, legalization, edukasyon, siyensiya, matematika, public execution, guillotine, caning
4 comments
The first 20 have been already posted on a thread in this bulletin board forum; If I Were President . Dapat pinost ko nga ito ilang buwan na nakalipas noong panahon ng eleksyon pang-senado pero nakulangan pa nga ako sa oras.
1: PUBLIC EXECUTIONS (pref. by GUILLOTINE) for all corrupt officials (including ex-presidents)
2: PUBLIC CASTRATION for rapists/child molesters/paedophiles
3: PUBLIC CANING for pickpockets/snatchers
4: Forced VASECTOMIES/LIGATIONS for parents who breed too many children only to be used in begging syndicates; likewise, as per papaboar2’s suggestion, any parent who denies a child a right to go to school should be considered criminally liable.
5: Enforcement of science- and mathematics-related subjects in today’s curricula (from K-12 onwards) along with NON-SECTARIAN values education (kids oughta be taught that corrupt people are bad and you can NEVER get away with it no matter how highly-placed your poppa is or how much you bribe a law enforcer)
6: Less red tape for new start-up companies to operate in this country
7: Improvements in infrastructure (particularly IT-related…cheaper broadband is a good start)
8: Less censorship and more government support of the arts (particularly cinema and TV – subsidies are a good place to start)
9: True land reform, subsidization of farmers for their produce to increase productivity.
10: Encouragement of eco-tourism and biofuel-powered public transport; tax credits for companies importing hybrid vehicles into the country.
11: Luxury taxes should be imposed on SUVs while owners of motorscooters and bicycles should be given tax credits. In a similar vein, heavier luxury taxes should be imposed on all imported cigarettes and liquor consumed in this country.
12: Strict laws BANNING the importation and operation of bus units more than two years old
13: Gradual abolition of the jeepney as a mode of public transport – most jeepney drivers are spoiled brats who use their lack of education to justify their repeated disregard of common-sense road safety. However, electric-powered jeeps can be allowed to operate in Central Business Districts not only for accessiblity but also for the tourist business.
14: Digital video cameras on most major road intersections to assist police in their crash investigations
15: Recruitment of more non-Catholics into our police forces…now there’s no way they can make Sundays and holidays as an excuse for not turning up when needed most
16: Tax credits should be given to land developers who set up “greenbelts” full of trees – where smog-choked urbanites can enjoy nature’s bounty without having to leave the city – instead of malls that contribute to the worsening traffic situation
17: People caught throwing their refuse on esteros and other public waterways shall be DUNKED repeatedly for an hour or two on the water they have befouled with their own shit
18: All those involved in illegal logging shall be TIED to the trees they have threatened to cut down, smothered with honey, then dusted with a fine coating of FIRE ANTS
19: Outright SCRAPPING of the DUMBASS “Lina Law” giving undue protection to squatters
20: Total overhaul of our sports programs, reinstitution of government-sponsored sport academies which will provide scholarships to poor but athetically gifted youth, removal of political appointees and replacing them with veteran sportspeople, emphasis on sport that are not only ideal to our geography and physiogonomy (i.e., swimming and soccer) but are well-represented internationally (forget about boxing and those Mob fronts a.k.a. “international boxing organizations”) 21: Legalization of DIVORCE in the Philippines…but with fool-proof measures to prevent abuse. Valid grounds and reasonable alimony rates should be established. We have to remember that even if our Church here keeps on harping onto each and every Filipino couple that “to death till us part”, human nature decrees that people’s lifestyle and viewpoints change over time. 22: Legalization (i.e. regulation) of prostitution, in the sense that sex workers should be provided with easy and inexpensive access to medical/health facilities as well as transitional psychological/social counselling to educate them to better job opportunities and dealing with the oft-judgmental eyes of “the real world”. Prostitutes should be able to contribute to society by paying taxes like the rest of the workforce.

Bohemyo goes to da mubis: Iskeyp from Dagalandia Agosto 12, 2007
Posted by emperorbananaketchup in pelikula.Tags: Anthony Bourdain, Anton Ego, daga, Disney, Gusteau's, Ikabod Bubwit, Janeane Garofalo, Linguine, movie review, Movies, Nonoy Marcelo, Paris, Pixar Animation, Ratatouille, Remy, Thomas Keller
add a comment
Noong nakaraang Linggo nakanood na ako ng Ratatouille, ang pinaka-latest na linikhang magkasama ang Disney at Pixar Animation Studios. Dito ang bida’y isang pangkaraniwang daga na pinangalang Remy (boses ni Patton Oswalt), na tumitira kasama ang kanyang utol na si Emile at ang kanilang tatay sa mga kanal at estero. Medyong napapansin ang matulis na pang-lasa ni Remy sa kanyang tribo, kaya nga siya ang ginawang pang-subok sa kung anu’t anong pinupulot ng tribo para sa pagkakainan nila.
Pero nga iba talaga si Remy – di siya mapakali na hanggang pampulot sila ng kung kahit na tinatapon ng mga tao. Napapansin niya habang kinakagat niya isang prasong keso – at sinundan niya ng ilang ubas. Akala mo kung anong Chinese New Year ang sumapit dahil sa kakakibang lasang dumapit niya. Habang sila ni Emile ang bumisita sa isang matanda, natagpuan ni Remy ang isang cookbook na ang pamagat ay “Anyone Can Cook!” na sinulat ni Auguste Gusteau, isa sa pinakatanyag na chefs sa Paris. Sa totoo lang, napadpad pa siya sa Paris, kasama pa niya ang anino ni Gusteau (bagay na bagay ang hebigats na boses ni Brad Garrett ng “Everybody Loves Raymond” rito). Puwera nga, sumakabilang-buhay na si Gusteau, at ang kanyang restaurant ay tinatakbo na ngayon ng isang kumag na kung tawagin si Skinner.
Natural, nakapasok na nga si Remy sa kitchen ng kanyang tinangalang si Gusteau, pero nga, anong matinong restaurant ay papayag makikipasok isang DAGA sa kitchen nila?????
Aba – tsupi!!!
![]()
![]()

Uy – rewind!!!!!!
Itong bagets na si Linguine, kinuha nito ni Skinner kahit labag sa kalooban niya…ginawa siya pang-tapon ng basura. Si Linguine naman, me pangarap rin siya, na maging isang tanyag ng chef sa Paris katulad ng….(ispoiler!!!!)
Me natagpuang paraan si Remy para gawing katotohanan ang kanyang pangarap, kaya nga gumawa sila ni Linguine ng isang pagkakasamahan. Hahatakin ang buhok ni Linguine si Remy (na nakatago sa ilalim ng toque) para kunwari sa sariling kamay me ginagawa siya. Aba, na-convince ang maliit na asungot, kaya pinailalim siya kay Colette (boses ni Janeane Garofalo) , isa sa mga astig sa kitchen crew niya.

Puwera nga, napaparating nga si Anton Ego, isang di-mapakubling food critic na maaring masalba o maitumba ang isang kainan sa mismong isang salita lang. Doon nga matitibayan nga ang kasamahan nina Linguine at si Remy…
Ang unang ko masasabi rito ay napakaganda talaga ang kuha nila sa bawa’t itsura ng mga kasangkapan di lang sa pagluluto pero pati rin sa paghahanda ng mga tinaguriang “haute cuisine” sa mga sikat ng restaurants sa Paris. Di lang napaglibot ng mga animators ang bawat sikut-sikot ng mga kalye sa tinaguriang “City of Lights”, sinasampol nga nila mga isa’t libong isang mga lasa sa mga sikat ng restaurants roon. Me kinuhang pa sila na ilan sa mga pinakabatikang chefs sa larangan ng haute cuisine katulad ni Thomas Keller (of The French Laundry) at Anthony Bourdain para kumonsulta tungkol sa tamang paraan na paghahanda ng mga pinalabas rito. Napakaganda rin ang musical scoring ng mga sequences rito na ginawa ni Michael Giacchino (na siya rin ang taga-iskor sa “The Incredibles” at pati sa TV series na “Lost”); tugmang-tugma ang kuha na akala mo nakalakad ka sa Left Bank mismo. Okey naman ang mga gags rito – tamang-tama lang sa lugar (di ko pa makalimutan ang hirit ni Linguine sa itsura ni Ego kung bakit isang food critic katulad niya ay napakapayatot). Sa istorya naman, nakornihan ako na konti tungkol sa lihim ni Linguine (at ang katotohanan kung bakit atat na atat ni Skinner sakupin ang Gusteau’s); puwera nga, ang daga ang bida rito, kaya nga puwedeng balewalain mo lang iyan. Hangang-hanga rin naman ako sa mga voice-actors na kinuha nila…di lang si Garrett bilang Gusteau at si Garofalo (di ko makalimutan ang “Bowler” na karakter niya sa Mystery Men) bilang si Colette pero kahit ang batikang si Peter O’Toole bilang ang malapalitong si Ego.
Naku, sayang, kung buhay pa rin si Nonoy Marcelo…anong masasabi si Ikabod Bubwit sa sinapit ng kanyang kalahi na si Remy???
Radyo (part 2); Saan sila ngayon Hulyo 28, 2007
Posted by emperorbananaketchup in musika.Tags: 89.9 TM, 99.5 RT, Audiogalaxy, digital music, download, DWNU, DWRT, DWTM, Fifty Questions, Fluxblog, HIT FM, Jessica Zafra, KSP, Last.fm, Limewire, Mo Twister, Monster Radio, Morning Rush, Morpheus, MP3, MTV, Music For Robots, MySpace, napster, NME, NU 107, Points of View, radyo, RX 93.1, Sony Ericsson w810i, SpongeCola, Studio 23, Terno Recordings, The Selector, Toti Dalmacion
3 comments
Gusto niyo malaman kung bakit di na ako naririnig sa radyo?
Imbes…matagal na nga akong nagdo-download ako ng musika sa Internet. Nagumpisa ako halos anim na taon na naglipas noong libre pa ang Napster. Naalaala ko pa na isa sa mga pinakaunang kong kanta na dinownload ay ang “Astounded” ng bandang Bran Van 3000. Mula noon, masasabing napakaraming akong mga kantang nauuna kong nadiskubre dahil sa Internet, di lang sa Napster kundi sa Morpheus at Audiogalaxy.
Paglipas ng ilang taon, pinasara ang Napster at lumaho naman ang Morpheus at Audiogalaxy (medyo nahirapan ako sa Morpheus, sa totoo lang). Muling nabuksan naman ang Napster, puwera nga, hawak ng isang multinational media company, kese hoda nga, di na libre. Napansin ko ang paglalawak ng format na digital music bilang isang kagamitan para i-promote ang ilang artists; mahihirapan na naman ako makalingon na wala akong makikitang naka-headset sa digital music player (iPod, MuVo, kahit ano). Ako mismo, isang dahilan kung bakit napili ko ang Sony Ericsson W810i bilang aking bagong cellphone ay dahil sa memory capacity nito lalo nga sa mga MP3s; naalala ko nga mismo ang lumang Walkman 2 ng binigyan ni tatay sa akin noong kabataan ko.
Oo nga, aaminin ko, isa akong PIRATA pagdating sa musika. Sa ngayon, halos makakalitong-lito ako sa kaydaming-dami kong dinodownload na puro naman musika (ayaw kong mag-download ng video dahil nakakakain sa filespace at nababagalan pa sa dial-up service ko) . Kadalasan, napa-download ako pag may naririnig akong napakagandang track sa mga programa katulad ng “The Selector” (isang programing taga-UK na inisponsor ng British Council) na dating nasa NU 107. Minsan, mayroon akong nadiskubre mula sa MTV at MySpace, pero do gaanong kadalasan. Sa ngayon, sila ang pinakaasahan ko pagdating sa nga bagong tunog na kabuhayan ko:
Paminsan-minsan,
http://www.music.for-robots.com/
Masasabi na nga, bakit ba ako magtitiis sa kagaguhan ng FM radio ngayon kung napakarami ka makapilian sa Internet?? Kaya na nga, simula ako nagkaroon akon ng sariling kong Limewire connection sa bahay (dati ako nag-buburn ng CDs sa isang cybercafe sa tabi-tabi), di na nga ako naririnig sa radyo. Like, as in – EVER.
Doon na nga, di ko naniniwala sa umpisa na nag-sara na nga ang 99.5 RT ng kabataan ko. Di naman nag-sara talaga kundi nag-palit ng anyo…eh anong magagawa ko, nararamdaman ko na ang istasyon na nasanayan ko dati sinakop na nga nga ng iba. Kung kailangan na nga mabuhay, dapat sumunod na nga sa agos na tubig. Ang pagmamatitigas na ulo, walang maidadala ng pagkain sa bahay. Kaya ko nga di na ako napabigla nang naging Number 1 sa year-end countdown nila sa nakaraang taon ang kantang “KSP” ng SpongeCola. Nararamdaman ko ang panggalalak di lang sa mga dating listeners kundi pati rin yung mga dating DJs roon sa paglilibing ng call letters ng “99.5 RT” at sa pagpasok ng mga baguhan (na sa tingin ko dinaan nila halos sa kaguwapuhan kundi sa kaaalaman sa music) sa tinuturing nila “HIT” FM.
Oo nga, minsan lulubog at lilitaw ang “The Selector” sa NU 1o7 bago napalit ng isa pang programa na di ko naalala ang pamagat…ang alam ko ang DJ roon, mala-Australyano ang accent niya, ‘yan lang. Si Toti Dalmacion, napadpad sa 99.5 RT at Monster Radio RX 93.1 bago siya tumayo ng sariling niyang record label, ang Terno Recordings (sila ng nga ang lumunsad sa Juan Pablo Dream at UpDharmaDown).
Aaminin ko, maski isang beses, di ako nawiling marinig sa Magic 89.9 kung saan namamayani daw ang programa na Morning Rush ni Mo Twister at dalawang niyang sidekicks (ang dating starlet na si Maui Taylor at si Mojo Jojo). Kahit sa kasikatan ng kanyang “Fifty Questions”, wala akong interest na mag-sawsaw roon. Ang alam ko, ‘yang Mo Twister na iyan, lantaring niya ang pagka-Amboy at double major (daw) niya sa DLSU, di siya mapapansin sa kapandakan niya kundi niya binuntis ang starlet na kapatid ni Sharmaine Arnaiz (ingat ka Maui, baka ikaw pa ang masusunod) . Parang nakakairita siyang marinig, lalo nga manoorin pa (kaya noong siya ang co-host ni Jessica Zafra sa Points of View datio sa Studio 23, di ko pinanood – mas ok ang dating ni Gabe Mercado sa akin)
Pero, halos kalahating taon na nakalipana noong di ako masyadong nariririnig sa radyo, parang magaan na ang karamdaman ko pagdating sa musika, lalo nga sa paghuhubog ng sariling “soundtrack” ng aking buhay. Noong dati naiinisan ako kung bakit di pinatugtog sa radyo yung mga kantang gusto ko maririnig, ngayon masasabi ko sa kanila – “Buti nga sa ’yo!!!” Kahit nga aaminin ko kaydaming akong dinodownload, masasabi ko na kung mayroon akong nagustong CD na labas na sa local na record stores, bibilhin ko at ibubura ko ang MP3 file ko ng mga kantang iyon. Maging responsable kang downloader – ang pagkakalat ng MP3 ay para i-promote ng mga ilang artists na walang sila contact sa mga malaking label man o MTV. Huwag kang masyadong garapal na basta makadownload ka ng katulad ng Linkin Park o Sarah Geronimo sa Internet, di mo bibilhin ang aktuwal ng CD nila sa record store.

