Dapat nga “Tado” ang maging palayaw ko….
…pero nga may naguna sa akin sa pagsisikat ng pangalan ‘yan!!!
Pero nga aaminin, gusto ko talaga maging prangka ako tungkol di lang sa kalakasan at kahinaan ko kundi pa tungkol sa kakulangan natin bilang isang bansa. E, kung sa UP naman ako napapunta noong kolehiyo, maaring makasabak rin ako sa mga ila’t ilang kilusan (dalawa sa mga kapatid ko ay UP alumni); lalo na nga titigas ang ulo ko pagdating sa isyu ng relihiyon.
Di ko naman sinisisi ang napasukan kong kolehiyo maski man ang kurso kong kinuha; masasabi ko naman pantas-pantas naman ang inklinasyon ko sa sulat at sa pagbibilang. Doon rin napasabak ako sa teatro dahil sa pang-pamantasang theater guild na ang Teatro Tomasino. Aaminin ko, napabuksan ang mata ko na todo-todo dahil sa pagsasali ko sa mga productions nila; maraming akong napulutang bisyo, puwera lang ang paninigarilyo – di ko ma-take hanggang ngayon ang feeling ng usok sa aking baga. Bigla rin nawala di lang ang pagka-torpe ko sa kababaihan kundi rin ang pagiging homophobic ko; nalalaman ko napakagaling ang kasamahan lalo nga kapag me bakla o tomboy sa grupo.
Minsan inaalaala ko yung schooldays ko at napaisipan ko kung ano ang maging hinahatnan ko kung medyong pinabutihan ko ang aking pag-aaral. Puwera nga di talaga maaalis ang pangarap ko magsulat ng isang nobela o siglo. Darating man din ang oras….
Pero habang mahaba ang panahon…dapat langhapin ang bawat araw ng buhay mo!!!! Di ko naman papayagang waldasin ang oras ko sa mundong ito, dahil bawat tao rito may papel na dapat gampanan – ako naman, masasabing magaling ako magpayo’t magsulat. Maasahan rin ako bilang isang kaibigan na puwedeng ibahagi mo ang pinakamalalim na sikreto; wala sa akin ang paghuhusga o manlalait kahit minsan natutulak rin ako gumawa ang ikalawa. Nangyari na nga sa akin noong kabataan ko kaya kung mayroon man gumawa iyan sa harapan ko, may matitikman siya sa akin. Pero sa totoo lang, pambihira ako mananakit talaga ng tao, puwera nga kung hinihingi niya sa kanyang sarili; wala rin sa akin ang pagtitimtim ng ganti sa iba.


oo nga, nakaka-adik. ^_^
sana mag open-up ka rin ng comments at blogroll para makapag comment kami at ma-add mo rin link namin. ^^ tc
Uy, nadagdag na kita…..libre ka mag-comment rito sa blog ko
Hi,
I’m Elmer and I work at pacificadvance.com, a company interested in blog advertizing. I found your blog quintintarantado.wordpress.com engaging and I’m contacting you to ask if you are interested in blog post sponsorship.
If you are interested, kindly mail back (elmer@pacificadvance.com) and I’ll send you pricing details, guidelines and processes. Looking forward to doing business with you.
Sincerely,
Elmer
Pacificadvance.com
A three bite process: first the ears, then the head, then the body. ,