jump to navigation

Paalam, Joker…. Enero 23, 2008

Posted by emperorbananaketchup in pelikula.
Tags: , , , , , , , , , , ,
trackback

Kawawa naman si Heath Ledger.

Kapapaalam lang si Brad Renfro (isang dating child actor na di nga nakakaasam sa katuktokan ng kanyang karir sa sine), ngayon, binisitahan ni Kamatayan si Heath Ledger. 

Itong Australyanong ito, na hanggang kailan lang ay nakabase sa Brooklyn, NY, ay kinunan lang sa kanyang apartment sa Manhattan dahil daw sa pag-o-overdose sa sleeping pills.  Idadaan siya sa autopsy mamayang hapon.  Sa edad niyang 28,  nagkaroon na siya ng 2 taon na gulang na anak na si Matilda (onga – Australyanong-australyano pa ang pinili niyang pangalan) sa dating kasintahan niya na si Michelle Williams.   

Kanonominate lang siya sa Oscar para sa papel ni ginampanan bilang isang silahis na koboy sa “Brokeback Mountain” (na kung saan gumanap rin si Michelle bilang misis niya), kinuha siya ng direktor ng “The Dark Knight” na si Christopher Nolan para gumanap bilang si Joker.   

Kung makikita mo rito sa trailer, ang dating ni Ledger bilang si Joker ay medyong mas matindi pa kina Jack Nicholson sa unang “Batman” ni dinirek ni Tim Burton.  Sa itsura lang,  akala mo medyo ininspira siya ni Kakihara sa pelikulang “Ichi the Killer”.

                                             Ichi the Killer DVD cover

Ganyan ang trato mismo sa karir ni Heath.  Kahit sa kabataan niya, iniwas siya sa mga pa-cute na papel, pumipili siya ng mga karakter na medyo me kalaliman.  Sayang naman, may balak naman siya sumunod sa yapak ni Johnny Depp.   Sa totoo lang, sa isang interview sa New York Times,  umamin na nag-sle-sleeping pills siya habang sinu-shooting niya ang “The Dark Knight” kasi medyo na-apekto siya sa pagka-sira ulo ng karakter niyang ginampanan na si Joker. 

 Para sa iyo, pareng Heath,

Mga Puna»

No comments yet — be the first.