Paalam, Joker…. Enero 23, 2008
Posted by emperorbananaketchup in pelikula.Tags: artista, Batman, Brad Renfro, Christopher Nolan, Heath ledger, Hollywood, Ichi the Killer, Johnny Depp, Joker, Kakihara, The Dark Knight, Tim Burton
add a comment
Kawawa naman si Heath Ledger.
Kapapaalam lang si Brad Renfro (isang dating child actor na di nga nakakaasam sa katuktokan ng kanyang karir sa sine), ngayon, binisitahan ni Kamatayan si Heath Ledger.
Itong Australyanong ito, na hanggang kailan lang ay nakabase sa Brooklyn, NY, ay kinunan lang sa kanyang apartment sa Manhattan dahil daw sa pag-o-overdose sa sleeping pills. Idadaan siya sa autopsy mamayang hapon. Sa edad niyang 28, nagkaroon na siya ng 2 taon na gulang na anak na si Matilda (onga – Australyanong-australyano pa ang pinili niyang pangalan) sa dating kasintahan niya na si Michelle Williams.
Kanonominate lang siya sa Oscar para sa papel ni ginampanan bilang isang silahis na koboy sa “Brokeback Mountain” (na kung saan gumanap rin si Michelle bilang misis niya), kinuha siya ng direktor ng “The Dark Knight” na si Christopher Nolan para gumanap bilang si Joker.
Kung makikita mo rito sa trailer, ang dating ni Ledger bilang si Joker ay medyong mas matindi pa kina Jack Nicholson sa unang “Batman” ni dinirek ni Tim Burton. Sa itsura lang, akala mo medyo ininspira siya ni Kakihara sa pelikulang “Ichi the Killer”.

Ganyan ang trato mismo sa karir ni Heath. Kahit sa kabataan niya, iniwas siya sa mga pa-cute na papel, pumipili siya ng mga karakter na medyo me kalaliman. Sayang naman, may balak naman siya sumunod sa yapak ni Johnny Depp. Sa totoo lang, sa isang interview sa New York Times, umamin na nag-sle-sleeping pills siya habang sinu-shooting niya ang “The Dark Knight” kasi medyo na-apekto siya sa pagka-sira ulo ng karakter niyang ginampanan na si Joker.
Para sa iyo, pareng Heath,
Pinoy….pang Asian ba o pang African-American Enero 14, 2008
Posted by emperorbananaketchup in musika, pelikula.Tags: basketball, hip hop, Sharon Leal, Prince, John Cho, Dreamgirls, Pinoy, Intsik, Koreano, cultural identity, Asian, Noypi, ugali
add a comment

Kanina lang kababasa ko na ang co-star sa pelikulang “Dreamgirls” na sa Sharon Leal, gumanap rin siya sa 2 ring pelikula pagkatapos roon na pawang mga African-American mga cast. E, di ba, noon pinalabas ang “Dreamgirls” rito kinaguguluhan si Ms. Leal dahil sa me halong siyang Pinoy na dugo.
‘Di lang ito pangkaraniwan…ilang beses narinig ko sa ibang mga posts na ang musikero na si Prince at pati ang rapper na si Ja Rule, me halong Noypi sa dugo. Baka – lalo nga kina Prince - iyan ang dahilan ng kanilang pagkahusay.
Minsan iniisipan mo ba ang tingin ng mga Pinoy-American sa mga casting agents sa Hollywood. Malamang di kami mamadaling mapagkamaliang typical na “Asian” na tinuturing pawang mga Intsik’t Koreano sa US (sa Inglatera naman, ang tinuturing doon mga “Asian” ay ang mga East Indians).
‘Di madaling ma-i-pigeonhole mga Pinoy sa mga roles na isang nerdy-nerdy na singkit katulad na pinoportray ni John Cho.
Madalas ko lang nakatagpo mga Fil-Ams na mahilig sa mga katulad ng baseball (kahit mayroon kaming kababayan na si Benny Agbayani na dati lumaro para sa NY Mets at ngayon na sa isang team sa Japan), country music at NASCAR racing. Baka ang isa sa mga dahilan roon ay parehong hilig ng mga Itim’t Pinoy sa basketball at hip hop.
Kaya nga, karamihan mga pop station dito sa Metro Manila, puro R&B at hip hop ang tinutugtog nila. E, matagal na kuha ang American R&B sa pagpaalab ng pusong Pinoy. Swak na swak masasabi mo.
Pero di mo maiiwas na pati minsan me mga ugaling na napupulot rin na di ko gaanong nagustuhan - katulad ng pagiging masyadong maluho lalo nga sa pag-aabubot. Kung marami ka makikita mga rappers mahilig yabangin mga “bling” nila pati mga “rims” ng kanilang kotse, ikinalulungkot ko na pati yan minamana natin sa kanila – lalo nga sa kabataan.
Eh sana huwag tayo masyadong lumayo sa mga ugaling na naging dahilan ng mga tagumpay ng kapuwang bansa natin sa Asya. Di naman masama ang pagiging makaaral at palaging honor student (lalo nga pagdating sa math at siyensya). Maganda ng kung ang pagiging pagpalikha natin sa larangan ng sining ay dapat husayin,
Isang buwan na lumipas…parang buong taon na!!! Enero 6, 2008
Posted by emperorbananaketchup in Life, review.Tags: 512 kbps, cellphone, myDSL plan 1299, plan 1299, PLDT myDSL, PSP, SE w810i, Sony Ericsson, w810i
add a comment
Haaay….itsinugi na ang ‘07, pasok na sa ‘08!!!
Ayun na…
Sa pagpasok na na ‘07, nakapalit na ako ng cellphone mula sa low-tech kong Nokia (b&w ang screen, wala pang camera!!!) hanggang sa SE w810i. Kahit second hand man, ok naman ang takbo kahit di ko masyadong nagandahan sa ilang features rito. ‘Di ko maandaran ang radyo at madali ako nakornihan sa mga games rito. Pero naaakit ako sa ka ng memory rito – kaya nito ang aking 2gb na memory stick ko. Sa kaydaming kong musika naload rito, parang iPod ko na ito. ‘Di lang iyan, naaliw rin ako sa camera kahit minsan naliitan ako sa kuha nito (takot ako na magbabagal kapag pinalaki ko sa settings).

Mabuti naman nakakuha rin ako ng sariling kong PSP. Oo nga, nasuwertehan ako na nakatagpo ako binebenta sa halagang Php 10,000 sa eskinita ng ATC na kung saan rin ko nabili ang w810i ko. Honga, 2nd hand rin, pero maganda ang pagtakbo nito. Ang sistema nito noong binili ko ay 2.6, dinowngrade ko sa 1.5, na-upgrade sa 3.35 at sa huli sa 3.71 m33-4. Ang daming kong games na nakalaro ko rito, pero ang pinakamadalasang kong linalaro ay mga RPG katulad ng Jeanne D’Arc at (sa ngayon) Disgaea, Afternoon of Darkness.
Ngayong pasok ng bagong taon, nadesidido na nga ako kumuha ng DSL na Internet. Sa paglipas ng buwan, nabigla na nga ako kung bakit bumagal ang dial-up connection ko. Dati nakaabot ako sa 52kbps (kadalasan, 50kbps) pero pagdating ng Disyembre, bumagsak hanggang sa 16kbps. Nalaman ko pala na mga tubong na kung saang dumadaloy mga linya ng telepono sa dingding ng bahay, na-short circuit na nga. Kaya nga pinili ko ang PLDT myDSL plan 1299. Binusisihan ko na mabuti, nagsipagtanungan ako sa mga kapitbahay, kaibigan at pamangkin. Ang bilis nito’y 512 kbps, may isang taong pa ako free na NDD calls pa. Minsan naririnig ko na di maasahan ang tech support rito pero sabi ng ilang mga may-ari ng mga cybercafe sa tabi-tabi tama nga ang bilis nito, lalo nga pag dumadownload at mag-YouTube ka. Sinubukan ko – maganda na nga ang pagtakbo ng video di katulad noong tumitiis pa ako sa dial-up.
Sa ngayon, wala pa akong balak mag-MMORPG…sa totoo lang, wala akong oras para sa iyon, lalo nga kayraming akong binabalak sa buwang nito, katulad ng pagpasok uli sa gym. Eh paano ako gaganahan mag-gym kapag laging akong harap sa computer nga?

