Bohemyo goes to the mubis: si Beowulf —- DYUUUTAAAY!!!! Nobyembre 23, 2007
Posted by emperorbananaketchup in pelikula, review.Tags: action figure, Angelina Jolie, Beowulf, CGI, fan service, Grendel, King Hrothgar, Robin Wright Penn, Sir Anthony Hopkins, tula, video game
add a comment

Hay naku…kaytagal tagal ako di nakikipag-post!!!!
Kaydaming-daming nangyari sa akin na pwede kong i-e-esplika sa mga susunod na posts ko.
Noong Linggo, napanood ko ‘yung bagong pelikula na binubulun-bulungang mala-”3oo” ang dating. Napaka-astig mga credits rito…sina Neil Gaiman, ang manunulat na lumikha rin sa “MirrorMask” at “Stardust” at si Roger Avary, na nagtulong sa pagsusulat ng “Pulp Fiction” at nagdirek sa “Killing Zoe”…at si Robert Zemeckis, isang batikang direktor na naglikha ng “Who Framed Roger Rabbit”, “Back To The Future” at “Forrest Gump”.

Hango naman it sa isa sa mga pinakamatanyag na tulang epiko sa wikang Ingles…di ko naman alam kung nadatnan mo noong nag-aaral man kayo. Sa tulang nito (pasensya, medyo nalilimot-limot ko na yung alaala ko noong araw na ‘yon) , ang sentro nito’y tungkol sa paghahahnap at pagtatagpo ni Beowulf kay Grendel.
Aba – ang problema lang, nagsulpot ang ina ni Grendel, na binobosesan ng napakaakit-akit na si Angelina Jolie (aba, masdan mo sa kapanahunan iyon, pinauso niya ang high heels!!!). Itong damuhong Grendel na ito (para siyang anak sa labas ni Gollum sa isang babeng kapre), akala mo kung sinong siga-siga naman siya, isang dambuhalang IYAAAKIN!! Mas masahol sa Meadhall ni Haring Hrothgar (Sir Anthony Hopkins) pa siya kay Borgy Manotoc pag inaamats siya sa Embassy!!! (ispoiler para sa di pa napanood) Eh ang (putang) ina ni Grendel, nagsilampungan siya noon kay Haring Hrothgar, kaya nga isinilang si Grendel!!! (o sige, tapos na ang ispoiler). Habang lumalakad si Beowulf parang patayin ang mga sugo ng kadiliman, doon kumakalat ang reputasyon niya bilang tagasugpo ng mga kahalimawan. Eh si Haring Hrothgar, malakas ang salamat niya kay pareng ‘Wulf, kaya nga di lang ang kanyang trono binigay niya sa kanya, pati’t asawang niya na si Wealthow (Robin Wright Penn) at isang cup na mistulang horn o trompeta.
Kay dadaming eksena roon napakadugo, pero nga di umaabot sa katindian ng “300″ na nagsiliparang mga bisig’t binti; baka kasi napakalakas ang pagka-CGI rito (‘yung galaw ng mga artista, kinuha sa “motion capture” o “mocap”). Kadalasan, akala ko parang “Shrek” na pinagawang “pang-adults”. Maraming eksenang may kahubaran, lalo nga si Angelina Jolie bilang ina ni Grendel (oo nga, hubo’t hubad, pero naka-high heels pa!!). Nagkaroon pa mismo ng nakakatuwang subplot na kung isa sa mga tauhan ni Beowulf sinubukan niya tsinansing isa sa mga katulong sa Meadhall (na parang inuman ng Hari noon, bimubuksan para sa mga kapiling-pili niya); nahihinayang ako kung papaano mahahawakan ang eksenang iyon kung Studio Gainax ay nagpatulong (aba, nagaalog-alog!!!) .
Sa tingin ko…okey naman, pero may pagkakakulang kung maihambing mo sa Final Fantasy: Advent Children (na di ko pa napanood sa kabuuan nga) o kahit sa Appleseed (‘yung bersyong mas bago) . Pero naman, kahit may sinasabing masyadong binababoy ng mga screenwriters sa orihinal na material, dapat pinasalamatan sila sa kahirapan nila ipapasarapan ang tulang ito sa mga manonood ngayon na masyadong malikot ang attention span nila (makikita ko nga…Beowulf action figures!!! Beowulf video game – in all platforms).

