jump to navigation

Radyo (part 2); Saan sila ngayon Hulyo 28, 2007

Posted by emperorbananaketchup in musika.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
trackback

Gusto niyo malaman kung bakit di na ako naririnig sa radyo? 

Imbes…matagal na nga akong nagdo-download ako ng musika sa Internet.  Nagumpisa ako halos anim na taon na naglipas noong libre pa ang Napster.  Naalaala ko pa na isa sa mga pinakaunang kong kanta na dinownload ay ang “Astounded” ng bandang Bran Van 3000.   Mula noon, masasabing napakaraming akong mga kantang nauuna kong nadiskubre dahil sa Internet, di lang sa Napster kundi sa Morpheus at Audiogalaxy. 

Paglipas ng ilang taon, pinasara ang Napster at lumaho naman ang Morpheus at Audiogalaxy (medyo nahirapan ako sa Morpheus, sa totoo lang).  Muling nabuksan naman ang Napster, puwera nga, hawak ng isang multinational media company, kese hoda nga, di na libre.  Napansin ko ang paglalawak ng format na digital music bilang isang kagamitan para i-promote ang ilang artists; mahihirapan na naman ako makalingon na wala akong makikitang naka-headset sa digital music player (iPod, MuVo, kahit ano).  Ako mismo, isang dahilan kung bakit napili ko ang Sony Ericsson W810i bilang aking bagong cellphone ay dahil sa memory capacity nito lalo nga sa mga MP3s; naalala ko nga mismo ang lumang Walkman 2 ng binigyan ni tatay sa akin noong kabataan ko. 

Oo nga, aaminin ko, isa akong PIRATA pagdating sa musika.  Sa ngayon, halos makakalitong-lito ako sa kaydaming-dami kong dinodownload na puro naman musika (ayaw kong mag-download ng video dahil nakakakain sa filespace at nababagalan pa sa dial-up service ko) .   Kadalasan, napa-download ako pag may naririnig akong napakagandang track sa mga programa katulad ng “The Selector” (isang programing taga-UK na inisponsor ng British Council) na dating nasa NU 107.    Minsan, mayroon akong nadiskubre mula sa MTV at MySpace, pero do gaanong kadalasan.  Sa ngayon, sila ang pinakaasahan ko pagdating sa nga bagong tunog na kabuhayan ko:

www.Last.fm

www.nme.com

www.launch.co.uk    

Paminsan-minsan,

http://www.fluxblog.org/

http://www.music.for-robots.com/

Masasabi na nga, bakit ba ako magtitiis sa kagaguhan ng FM radio ngayon kung napakarami ka makapilian sa Internet??  Kaya na nga, simula ako nagkaroon akon ng sariling kong Limewire connection sa bahay  (dati ako nag-buburn ng CDs sa isang cybercafe sa tabi-tabi), di na nga ako naririnig sa radyo.  Like, as in – EVER.

Doon na nga, di ko naniniwala sa umpisa na nag-sara na nga ang 99.5 RT ng kabataan ko.   Di naman nag-sara talaga kundi nag-palit ng anyo…eh anong magagawa ko, nararamdaman ko na ang istasyon na nasanayan ko dati sinakop na nga nga ng iba.   Kung kailangan na nga mabuhay, dapat sumunod na nga sa agos na tubig.   Ang pagmamatitigas na ulo, walang maidadala ng pagkain sa bahay.  Kaya ko nga di na ako napabigla nang naging Number 1 sa year-end countdown nila sa nakaraang taon ang kantang “KSP” ng SpongeCola.  Nararamdaman ko ang panggalalak di lang sa mga dating listeners kundi pati rin yung mga dating DJs roon sa paglilibing ng call letters ng “99.5 RT” at sa pagpasok ng mga baguhan (na sa tingin ko dinaan nila halos sa kaguwapuhan kundi sa kaaalaman sa music) sa tinuturing nila “HIT” FM

Oo nga, minsan lulubog at lilitaw ang “The Selector” sa NU 1o7 bago napalit ng isa pang programa na di ko naalala ang pamagat…ang alam ko ang DJ roon, mala-Australyano ang accent niya, ‘yan lang.  Si Toti Dalmacion, napadpad sa 99.5 RT at Monster Radio RX 93.1 bago siya tumayo ng sariling niyang record label, ang Terno Recordings (sila ng nga ang lumunsad sa Juan Pablo Dream at UpDharmaDown). 

Aaminin ko, maski isang beses, di ako nawiling marinig sa Magic 89.9 kung saan namamayani daw ang programa na Morning Rush ni Mo Twister at dalawang niyang sidekicks (ang dating starlet na si Maui Taylor at si Mojo Jojo).  Kahit sa kasikatan ng kanyang “Fifty Questions”, wala akong interest na mag-sawsaw roon.  Ang alam ko, ‘yang Mo Twister na iyan, lantaring niya ang pagka-Amboy at double major (daw) niya sa DLSU, di siya mapapansin sa kapandakan niya kundi niya binuntis ang starlet na kapatid ni Sharmaine Arnaiz (ingat ka Maui, baka ikaw pa ang masusunod) .   Parang nakakairita siyang marinig, lalo nga manoorin pa (kaya noong siya ang co-host ni Jessica Zafra sa Points of View datio sa Studio 23, di ko pinanood – mas ok ang dating ni Gabe Mercado sa akin) 

Pero, halos kalahating taon na nakalipana noong di ako masyadong nariririnig sa radyo, parang magaan na ang karamdaman ko pagdating sa musika, lalo nga sa paghuhubog ng sariling “soundtrack” ng aking buhay.   Noong dati naiinisan ako kung bakit di pinatugtog sa radyo yung mga kantang gusto ko maririnig, ngayon masasabi ko sa kanila – “Buti nga sa ’yo!!!”  Kahit nga aaminin ko kaydaming akong dinodownload, masasabi ko na kung mayroon akong nagustong CD na labas na sa local na record stores, bibilhin ko at ibubura ko ang MP3 file ko ng mga kantang iyon.   Maging responsable kang downloader – ang pagkakalat ng MP3 ay para i-promote ng mga ilang artists na walang sila contact sa mga malaking label man o MTV.   Huwag kang masyadong garapal na basta makadownload ka ng katulad ng Linkin Park o Sarah Geronimo sa Internet, di mo bibilhin ang aktuwal ng CD nila sa record store. 

Mga Puna»

1. dEe - Hulyo 31, 2007

ei i love listening to songs din… kaso nahihirapan ako makinig sa net… kasi minsan mabagal net he he.

nga pala… i love your blog… kip it up.

na-add na kita sa blogroll ko ha! add mo din po ako… PLEASE!
http://www.dilan.co.nr

Prinsipe Dilan

2. tim ang - Agosto 4, 2007

nakikinig ako sa show ni mo twister on a regular basis. ok lang naman.

3. emperorbananaketchup - Agosto 4, 2007

^tim ang: did you used to work in Ambergris Solutions?