jump to navigation

Radyo (part 1) Hulyo 28, 2007

Posted by emperorbananaketchup in musika.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
trackback

jukebox 

Halos kalahating taon na nakaraan na di na ako naririnig sa radyo.  Sa totoo lang, inaalikabok na ng ang aking component sa kuwarto ko na dating minsan tinutugtog ko halos buong gabi lalo nga sa istasyong 99.5 RT (DWRT-FM)  at NU 107 (DWNU).   Minsan, tumatawang na nga ako sa istasyon di lang para mag-request ng ilang kanta pero makisali pa sa mga gimik nila katulad ng movie premieres at pati parties (noong kabataan ko nga) .   Sa totoo lang, nagmulat nga ang tenga ko sa FM radio sa 99.5 RT noong 1980-1981…palaging kong sinusundan ko ang “American Top 40″ na hinost dati ni Casey Kasem (siya pala ang naging boses ni “Shaggy” sa orihinal na Scooby Doo ng cartoon).  Naging paborito rin sa akin ang matagal na naging programa sa istasyong rin ito ang “Saturday Night – Live!!!” na tinatampok ng ilang sa mga naging sikat ng mobile disco sa kapanahunang ’80s. 

Sa kabila naman, napahalina rin ako sa ilang istasyon sa kaliwa’t kanan ng pihitang FM.  Sa kaliwa naman, nandoon rin ang 89.9 TM (DWTM) at 89.1 DMZ (DZMZ); doon sa mga dalawang istasyon na iyon, natututo ng rin ako mag-appreciate ng mga genre music katulad ng hip hop at house (na ngayon ay tinuturing na “club” o ”electronica”).  Sa panguna, doon sumulpot ang “Pirates of the Airwaves” na halos pang-Sabado ng hapon hino-host ng isang DJ na Ingles na si John Robinson (na nag-spin sa ilang disco katulad ng Rumors at Subway noong ’80s)…karamihan sa playlist niya mga club tracks ni di pa masyadong tinutugtog sa radyo.   Dahil sa biglang nag-boom ng club music sa radyo, naging uso rin ang 89.1 DMZ na puro de-remix ang tugtog nila; doon rin sa DMZ nagkaroon ng show si Francis Magalona na doon nakapasok niya ang hip hop sa mga Pinoy…mga katulad ng Run-DMC, Public Enemy at Beastie Boys. 

 Noong dekadang ochenta, napauso ang “new wave” nang dahil sa XB-102…doon sa playlist nila kaydaming mga bandang maimpluwensya sa larangan ng rock nakapasok na nga  sa utak ko.  Mula sa U2, The Clash at the Smiths hanggang sa Dead Kennedys at Cocteau Twins napalawak talaga ang musical appreciation ko na todong-todo, dahil tumanyag ang XB 102 bilang “ground zero” ng underground music scene noong ’80s (kahit na nga naunahan pa pala sila ng DZRJ-FM na napatugtog nila mga plakang punk kahit noong late-70s pa sa kapanahunang Martial Law).  Grabe talaga like super to da ober to the max ang namumulat ko ng aking tenga  Naalaala ko naka-attend ako ng ilang parties sa Corinthian Gardens na karamihang mga kabataan roon ay naka-creepers at Doc Martens; doon sa mga parties ni iyan napauso ang mga anthems katulad ng “Bizarre Love Triangle” ng New Order, “Feels Like Heaven” ng Fiction Factory at pati ang “More to Lose”/”Medium by Fate” ng Seona Dancing (ang bokalista pala ng grupong iyan ang naging taga-likha pala sa orihinal ng UK  version ng “The Office”, si Ricky Gervais).  Naalala ko rin ang pagpunta ko sa A2Z records sa may Anonas na karamihan roon mga hard-to-find na vinyls ng kaydaming-dami ng mga never-before-heard ng mga bandang taga-UK at USA…di lang hardcore punk roon, me ska, me tugtuging pang-mods at soulboy pa…mga stores na katulad ng Shambhu sa may Recto’t Cubao na palaging binebenta nila mga T-shirts ng mga bandang katulad ng The Smiths at the Cure.        

Fast forward sa dekadang nobenta, nalugi’t nagsara ang XB 102…ang 99.5 RT napasabak rin sa “new wave”, nareformat at biglang naging “Red Hot Radio”.  Tumanyag naman ang NU 107 bilang kapalit ng XB 102…kung sa XB ang “Capital Radio”, sa NU ang “Not Radio” na dating nag-cohost ni Myrene (ang bahista ng bandang Sandwich).  Doon rin sa NU107  nadiskubre ko ang manunulat na si Jessica Zafra…sa panahon na iyan napasundan ko di lang mga broadcasts niya kundi pati mga book launches niya.  Siya mismo ang naging mouthpiece ng tinuturing na “Generation X”  sa mga Pinoy… maaring dahil sa kanya napabago na nga ang turing ko sa aking buhay bilang Pinoy.   Nasundan ko rin sa Jessica sa paglilipat niya sa 103.5 KLite, na nagkaroon rin siya ng programa tuwing hatinggabi na kasama si Adel “Little David” Gabot at si Monica.

Pagdating ng ilang taon,  nagsibalik-pop naman ang 99.5 RT…lalong lumalala ang interes ko di lang sa underground na rock nguni’t pati rin sa club/electronica at classic rock.  Maliban pa sa kanilang programang “Saturday Night-Live” na ang naging tagline nila ang “the longest-running party in Philippine radio history”, nandoon rin ang “Electric Circus” na kadalasan na-feature mga classic rock at live performances,  at ang “Groove Nation Sessions” ni Toti Dalmacion, ang kamag-anak ni Dennis Garcia ng Hotdog na dating nagtrabaho sa isang major label sa US.   Siya rin ang tumakbo ng isang shop sa may Makati na ang pamagat ay “Groove Nation”; halatang-halata nga na ang kanyang inclinasyon roon ay ang neo-Mod na style na napauso sa UK.  Halos magkapareho rin namin ang naging hilig sa musika ni Paul Weller at Saint Etienne mismo.   Kahit nga minsan napalipat ang programa niya sa ilang istasyon, laging kong sinusundan ko kung saan silang napadpad.           

Sa panahon na iyon, napagbago na nga ang turing ko sa Pinoy pop culture lalo nga noong kabataan ko…kung sa “dirty” ice cream, Spartan na tsinelas o pati mga lumang cartoons sa TV (katulad ng Voltes V at pati ang orig na Transformers).  Umiba na nga ang tingin ko sa kanila…minsan inaalaala ko kung saan ang aking malaking kong transformable na Daimos ng kabataan ko (sayang na nga, napapunta sa mga pamangkin ko na di nila mabuting napaalagaan).  Sa totoo lang, habang umaarangkada ako ang kagustuhan ko sa larangan ng musika, lalong lumalalim rin ang pag-appreciate ko ng mga tugtuging classic-rock di lang dahil sa “Electric Circus” sa 99.5 RT pero rin sa isang programa tuwing Linggo ng umaga sa 103.5 K-Lite.   Sa Linggo rin minsan ang DZRJ nagtutugtog rin sila ng mga plakang na sa sobrang haba halos maririnig mo ang pagro-roll ng papel pang-jutz. 

Mga Puna»

No comments yet — be the first.