Bohemyo goes to da mubis: Ang pagbabalik ng F4 Hunyo 25, 2007
Posted by emperorbananaketchup in pelikula.Tags: Dr. Doom, Fantastic Four, Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer, Galactus, Hollywood, Jessica Alba, Michael Chiklis, movie review, Movies, My Super Ex-Girlfriend, Peter Petrelli, Silver Surfer, The Incredibles
3 comments
Hoy, hindi yung mga tsinitos na kinaguguluhan natin noon, noh, kundi ang “apat na sikat” ng Marvel Comics – ang “Fantastic Four”. Para sa iyong kaalaman, nandoon si Reed “Mr. Fantastic” Richards, na kayang igawang de-goma ang buong katawan niya katulad ni Monkey D. Luffy sa “One Piece” pagkatapos siya kumain ng Gum-Gum fruit. Di maiiwan naman si Susan Storm, ang kanyang kasintahan na kinikilala siya bilang “Invisible Woman”. Nandoon rin ang kapatid niya saksakan ng pasaway na si Johnny at ang bespren ni Reed naman, si Ben alyas Totoy Bato – ay mali! -”The Thing” na mistulang bato ang balat niya, pero napaka-”drama king” ang epek.
Dito sa ikalawang nilang pelikula, dumating ang alagad ni Galactus na si Silver Surfer para ipabalita niya na may balak gagawing napakalaking tsitsirya niya ang ga-dambuhalang mokong na iyan. Di mahuhuli, biglang napasulpot ang dating kalabang ng mga FF sa unang tagpuan nila, si Victor Von Doom; puwera nga, kahit si Von Doom, napatalbog siya sa kalakasan ni Silver Surfer (na parang kamag-anak niya si T-1000 ng “Terminator 2: Judgment Day” at kaboses pa ni Morpheus sa Matrix trilogy). Sa totoo lang, parang walang dapat makipaghinto sa pagkakaisang-dibdib ng magkasintahang na si Reed Richards at Sue Storm - kahit ang mistulang banta ni Silver Surfer sa buong mundo.
Masasabi ko naman rito na talagang sinadya ang pagkaka-light ang dating sa FF na series, katulad nga sa unang pelikula. Pero sa akin naman, parang maraming mga possibilities ang materyal rito, kahit na nga medyo napaulit na nga sa ibang pelikula katulad ng “The Incredibles” (Elasti-Girl = Mr. Fantastic????) at pati sa “My Super Ex-Girlfriend” na parehong di pa hango sa isang comic book property. Maraming naman mga nakakatuwang tagpo roon katulad na biglang napa-Peter Petrelli si Johnny, na bawat kapangyarihan ng mga kadikit niya, nahahawa pa, at pati ang pagsusulpot ni Stan Lee (chairman emeritus ng Marvel Comics at co-creator ng FF). Napa-around the world trip pa sila, mula sa London hanggang sa Shanghai (kulang na lang, batiin nila si Ethan Hunt sa “M-I:3″) . Isa rin di ko ma-take ay ang sandamukal ng mga product placements roon - oo nga, maiintidihan ko na dahil sa kasikatan ng apat, minsan dinudumog sila ng mga commercial offers. Pero nga – ang PDA ni Mr. Fantastic, Nokia™!!! Ang Fantasticar, Dodge™ ang katawan at upuan!!!

Sa action scenes, puwede na nga ito, lalo nga sa scene nila sa Millenium Eye sa London at sa eksena nabawi nila kina Dr. Doom ang board ni SS. Acting-wise, si Jessica Alba kay ganda-ganda niya, para siyang manyikang porselana – pero with acting to match!!! In all fairness naman, ok si Michael Chiklis bilang “The Thing”; napadala niya ‘yung ka-astigan niya sa papel niya sa “The Shield” at pinahalo niya ng karakter na si “Hellboy” na ginampanan ni Ron Perlman sa sine. Oo nga, nag-iisa rin ako sa pagka-dismaya sa anyo ni Galactus sa pelikula, pero na nga, kaya ang pamagat ay di ”Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer featuring Galactus”; sa pagkalaki ni Galactus, parang di-balanse ang dating kung gagamitin nila ang traditional na itsura ni Galactus (pero kahit isang anino lang na madaling ma-i-identify na siya na iyon).
Sa totoo lang, nabitin rin na naman ako…kundi sa “300″, ”Sin City” at pati “Spider-Man II”, wala pang matinong pelikula na ginawa hango sa mga comic books.

