jump to navigation

Bohemyo goes to da mubis, ang pagsisimula…”Ay, Pirata!!!” Mayo 28, 2007

Posted by emperorbananaketchup in pelikula.
Tags: , , , , ,
1 comment so far

Napanood ko na nga ang Pirates of the Carribean: At World’s End noong Sabado…di naman gaanong ka-haba sa maling akala ko.  Medyong okey naman, sulit talaga sa aksyon (lalo nga sa huli kung saan nagpakasal sina Will Turner at si Elizabeth Swann habang lumalaban sila ng pirata kaliwa’t kanan).  Napakaganda ang kuha nila ng mga dalawang barkong naglalabanan habang lumulunod sila sa maelstrom. 

Aba siyempre, riot tala si Johnny Depp bilang ang lasenggong pasaway na si Capt. Jack Sparrow.  Para siya walang kiyeme pag naguusap siya sa kanyang sarili, nakabitiw sa hikaw niya ang kanyang konsyensya.    Di rin maiiwan ang Brethren council na puro mga pirata na nga, sa wika ni Capt. Barbossa, “from the four corners of the world”…me mga taga-Pranses, taga-Espanya, me Bumbay at African pa (akala ko nga magsasabi ang Bumbay, “5-6!! 5-6!!!!”) .  Okey rin ang paglalabas rin ni Keith Richards bilang taga-hawak ng Pirate Codex sa eksenang iyan.  Pero sa tingin ko di gaanong napakita ang husay ni Chow Yun-Fat sa kanipisan ng papel niya roon.

Sa totoo lang, minsan kakailangan ka manoorin ang dalawang pelikulang nanguna rito para maintidihan mo ila’t ilang mga eksena roon (lalo nga tungkol sa totoong anyo ni Tia Dalma).   Kahit nga, maaliw ka rin sa kagalingan ng mga sfx na ginagamit sa karamihan sa eksena roon (lalo nga tungkol sa mga talangka at ang Black Pearl  sa buhangin) 

Wow, ang sarap….. Wow, ang sarap…..

Eh buti nga sa yo, Davy Jones   Buti nga sa iyo, Davy Jones…..

 Puwera nga, sayang sana naging mas maganda king di masyadong binudburan  ng subplot lalo nga sa unang kalahati ng pelikula.  Pero magpakasalamat sa direktor na si Gore Verbinski na medyo mahusay ang pacing niya, di niya kinalimutan ang pagtutunguhan ng pelikulang ito, para patuwahin di lang mga bata pero pati nga ang magulang nila.    

Ay, umaandar na naman ang pagka-pasaway ko… Mayo 15, 2007

Posted by emperorbananaketchup in anime, blogging, pulitika.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , ,
add a comment

Noong linggo, bumalak akong ibahin ang profile “about me” kuno sa blog nito.   Gusto kong ipagaya sa “40 Questions” na ipina-uso ni Mo Twister sa show niyang pang-umaga sa Magic 89.9 (kahit na nga nangako na nga ako na hindi ako makikinig sa radyo noong nadiskubre ko ang hiwaga ng Limewire isang taon na nga lumipas).  Pagkatapos ko ng isang sagot…ay, natamaan ako ng katamaran.  Kaya nga di ko na tinuloy.

Balak ko rin baguhin rin ang mga backgrounds ko sa MySpace layout ko…may pinatapos ko mga artworks sa CorelDraw na ipagawang JPEG imahe para sa base ng aking MySpace.  Malapit na akong magtatatlong taon na gumagamit ng MySpace…mas una ako gumamit ng Friendster pero nang pumasok mga bata, nawawala na nga ako ng gana makikipagkaibigan sa karamihan nila….pero na nga, nananatili pa rin ang site ko rito.     

Sa totoo lang…di ako bumoto kahapon.  Kahit na nga napansin ko nga ngayon nangunguna ang mga kandidiatong GO (Genuine Opposition – kuno) … sa tingin ko pareho nga lang sila sa TU (Team Unity-mga kaalyado ni GMA).  Pawang mga “trapo” lahat sila,  mabuti lang sa pagbibigkas ng salitang tinuturing mga “motherhood statements” at pangakong palaging di natutupad.   Medyo rin nadismaya na nga sa “Ang Kapatiran” dahil ang tindig nila sa reproductive health ay walang kaibahan sa kasalukuyang administrasyon.

Pero nga, mabuti mga Pinoy ngayon , di na sila napakadaling madala sa kasikatan ng mga kakaunting artistang nagsitakbuhan sa katatapos ng eleksyon.   Eh sa pinaka-latest ng counts,  lumalamang sina “Goma” (Richard Gomez)  at si Cesar Montano sa senatorial race….ok naman ang pagpapapanalo ni Vilma Santos sa pagkagubernador ng Batangas dahil pinapatunayan niya sa pagtatakbo niya sa lungsod ng Lipa.   

Kaninang umaga lang, nag-mini anime marathon ako sa bahay….hiniram ng pamangkin ko ang balang “Eureka 7″ at “SpeedGrapher”, kaya nga napanood ko ang “Turn A Gundam”, “Paradise Kiss”, “The Galaxy Railways” at “Gankutsuou” (na mas kilala sa pamagat ng “Count of Monte Cristo” na itinagalog para sa Hero TV).  Honga, habang pinapanood ko ang nga anime (sa salitoang Hapon with English subtitles na kadalasan barok-barok dahil pawang mga Tsekwa sumasalin – lalo na sa “Turn A Gundam”), minsan pinasasabay kong isalin ang English subtitles sa Tagalog para kunwari dubber epek.   Medyo nahahangaan ako sa artwork sa “Paradise Kiss” at “Gankutsuou”…sa ikalawa,  na-iimpress ako sa pagsasalin nila ang kulturang Pranses sa buwan (hinango ang “Gankutusou” sa obra maestra ni Alexandre Dumas).   Sa “Galaxy Railways”,  kung palaging sinubaybayan mo ang mga ibang anime na linikha ni Leiji Matsumoto katulad ng  “Captain Harlock”,  “Galaxy Express 999″ at pati nga ang “Space Cruiser Yamato”, maraming kang mapapansin na katularan rito.  Kahit ilang mga eksena napagamit nga CGI ng mga modelo, napaka-seamless ang pag-iintegrate ng classic animation style.  Pati musika, maramdaman mo na pinapaguran na nga dahil de-orchestra na nga di katulad ng karamihan na puro J-pop o techno.   

Ang buhay nito naman…..kailangan ako makahanap uli ng trabaho!!!!

Ikukulong nga ba si Paris Hilton???? Mayo 7, 2007

Posted by emperorbananaketchup in TV.
Tags: , , , , , , ,
add a comment

Kanina lang nabasa ko itong artikulo sa Yahoo tungkol sa maaring pagkukulong sa sikat ng hotel heiress na si Paris Hilton.  Ang paghahatol sa kanya ng isang korte sa Los Angeles ng 45 araw sa county jail sa dahilan ng paglalabag sa probation tungkol sa kasong pagmamaneho habang lasing ay naging sindak sa babaing itinaguring prinsesa di lang dahil sa buhay niya bilang anak-mayaman pero dahil bawat galaw niya pinapayagang i-cover ng media.   Pagkatapos ng pagbasa ng hatol, napamura ang ina ni Paris na si Kathy sa jury; di tumagal pati pinatalsik niya ang matagal niyang matapat na PR na si Elliot Mintz.

Di ba, siya nga ang nagpasikat sa “reality-show” na genre na ang punto roon ay ang pagsusubaybay ka ng kamera mula sa paggising hanggang sa pagtutulog…ang dating roon, sa napakaganda ang buhay mo, dapat igawang seryeng pang-telebisyon pa….

Paris Hilton paglalabas niya sa courthouse sa LA

Sa tingin ko…maraming posibilidad na mangyayari kapag itatanggap ni Ms. Hilton ang pagkukulong niya na magsisimula sa June 5:

  1. Ang magiging susunod ng season ng “The Simple Life” ay maging “The Really REALLY Simple Life”…sa loob ng selda, bawal ang mga cellphones at Blackberries.   Ang pagkain roon, puro manok na lang ng manok…pero mabuti nga, low-sodium pa (eh, di naman makakasama kung makadagdag ka ng konti sa timbang kahit paano)
  2. Ang selda niya roon ay magkasing-laki ng isa sa mga karamihang panamitan sa mansiyon niya.  Sa pagligo, may isang communal shower na puwede ilabas ang mga presong pinaghihiwalayan (kawawa naman siya kung matitipuhan siya ng mga tibo roon…)
  3. Sa totoo lang, minsan naging pagkakataon pamatuwid ang pagkakulong… eh tignan mo ang nangyari kay Robin Padilla.  Ang dating “Bad Boy” ng pelikulang Pilipino ay natagpuan ang paniniwalang niyang Muslim habang nasa loob siya… doon siya nabuhay ang matamlay na career niya na hanggang sa paging romantic leading man siya.  Eh pati ang manunulat na si Jessica Zafra, tumataka kung ang pagkaguwapuhan ni Robin pagkalabas niya ay dahil roon  
  4. Kung makalaya siya, baka sa pagbabalik sa recording studio, mala-”hardcore” rap ang ilallabas niyang pang-sunod sa kanyang debut na CD.  Eh, nakakita niya ang kalooban ng selda, madali na siya maituturing nakaahon na “street cred” (huwag na lang sana…maghubad ka na lang… hehehe)    

Pero nga di pa tapos ang kabanata sa buhay niya….may mga ilang fan na nag-apela kay Arnold Schwarzenegger, ang gobernador ng California,  sa MySpace page ni Paris kung puwede ibalewala ang hatol bago matapos ang buwan.   Sana matutunan ng malalim ng leksyong yung babaeng iyan sa totoo lang…kung sa Pilipinas, maraming mga artista’t anak-mayaman makatakas sa batas dahil sa salapi nila o sa “kabigatan” ng pamilya nila, mangyayari ba yan sa isang bansa katulad ng Estados Unidos, na ipinagmamalaki ang pagtitingin sa lahat ng tao na pantay-pantay sa ilalim ng kanilang sistemang hustisya?   

  May isa rin mas detalyadong report rito tungkol sa paghatol mula sa Chicago Tribune