Mga nakakatawang at nakakatakang pamagat sa pelikulang Pilipino Marso 7, 2007
Posted by emperorbananaketchup in pelikula.Tags: Quentin Tarantino, Robert Rodriguez, Philippine film, pelikulang Pinoy, funny titles, Dolphy, Chiquito, Grindhouse, Pinoy Superman, Pinoy Batman, Pinoy Tarzan
trackback
Habang napapansin na ang lakas ng utang loob ipininakit ng batikang Hollywood director na si Quentin Tarantino sa mga obra ni Cirio H. Santiago , maalala ko nga na noong mga dekadang setenta’t ochenta habang isa sa mga namamayani ang pamilyang Santiago sa larangan ng pagproprodyus ng pelikulang Pilipino, doon lumalaganap ang sandamukal ng mga nakakataka’t nakakatuwang mga titulo. Habang ngayon, kadalasan mga titulo ng mga pelikula’y hinahango sa mga sikat na kanta sa radyo, karamihan sa mga titulo noon ay hinahango sa mga ila’t-ilang sikat na pelikula pawang gawa sa Hollywood.
Sa tingin ko, ang Hari ng Komedyang Pilipino na si Dolphy ay isang masasabing “fan” ng Hollywood, sapagkat karamihan mga ginawang pelikula gumamit ng mga pamagat na-inspire ng Hollywood. Katulad ng “Home Along the Riles” na hinango sa blockbuster na “Home Alone”…nagsimula bilang isang TV series sa 1992, nagkaroon pa ng dalawang pelikula bago lumipat sila sa “Riber” sa 2002. Pagkatapos ng isang taon, napadpad ang TV series sa tabi ng “Airport” sa 2003.
Nandito ang mga
Tataynic (1998) – “Titanic”
Og Must Be Crazy (1990) – “Gods Must Be Crazy”
Goatbuster (sa Templo ni Dune) (1985) – di lang “Ghostbusters”. pati ang “Dune” at “Indiana Jones and the Temple of Doom”
Dancing Master (1979) & Dancing Masters 2 (Hongkong) (1982) – “Drunken Master” ni Jackie Chan
Dolphy’s Angels (1980) – “Charlie’s Angels”
Omeng Satanasia (1977) – “The Omen” (original)
Taho-ichi (1976) – “Zatoichi” isang sikat ng seryeng Hapon na ang bida’y isang ronin (naglalakbay na samurai walang amo) na me bitbit na bata
Happy Days Are Here Again (1975/I) – “Happy Days” TV series(??)
Private Ompong and the Sexy Dozen (1968) – “The Dirty Dozen”
James Batman (1966) – one-two punch!! Di lang siya pang-James Bond, pang-Batman pa!!!
Tansan vs. Tarsan (1963) & Tansan the Mighty (1962) – “Tarzan” ni Edgar Rice Burroughs
Adolphong Hitler (????) – “The Great Dictator” ni Charlie Chaplin (?)
Dolphinger (????) – “Goldfinger”
Gengis Bond (????) – isa pang one-two punch!! Di lang siya pang-James Bond, pang-Genghis Khan pa!!!
Kisame Street (????) – “Sesame Street”
Operation Butterball (????) – “Thunderball” (????)
Kung nandoon si Dolphy (at ang sidekick niyang ang sumakaliwang buhay na si Panchito), di maaring maiiwan si Chiquito. Minsan mahahalata ang pag-aagaw sila ng konsepto sa isa’t isa.
Estong Tutong, ikalawang yugto (1983) – ang kanyang tribute sa “E.T.” ni Steven Spielberg
Lasing Masters (1981) – Isa rin katatawanan hinango sa pelikulang “Drunken Master” ni Jackie Chan, pero mas malapit sa pagsasalin ang titulo
James Bondat (1970) – Bawat yapak ni Pidol, di nga mahuhuli talaga si To-Chi-Qui… Laugh Story (1970) – Isa rin pamagat sinikwat sa isang pelikulang Hollywood, ang kasisikat lang noon na “Love Story” ni Ryan O’Neal at Ali McGraw
The Hornets (1968) – “Kato & the Green Hornet” (????)
The Magnificent Zorro (1968) – Walang batbat si Antonio Banderas sa Zorrong ito !!!!
Nandito rin matatagpuan mga ibang pamagat na minsan nakakataka kung paano makakalusot sa panahon ngayon na humihigpit mga malalaking bansa katulad ng US sa larangan ng copyrights.
Temptation Island (ang walang-kamatayang obramaestra ni Joey Gosiengfiao; nagtataka kung bakit di nagsampa ng kaso si Mother Lily noong inilabas sa US ang reality show na kapamagat ilang taon na dumaan)
Mekeni’s Gold
Napoleon Doble
Super Wan-Tu-Tri & Zoom Zoom Superman (tayo nga Pinoy, sobrang adik talaga kay Superman)
Si Popeye Atbp. (noong bata pa ako, ang akala ko yung pangalan ng kalaban ni Popeye ay si Brutus. Eh, si Bluto pala…naging kapangalan niya ang karakter ng yumaong si John Belushi sa “National Lampoon’s Animal House”) Ang Starzan series ni Joey de Leon (may anime pala dati sa Japan na ang pamagat ay Starzan-S)
Nandito rito ilang mga posters mula sa malalapit na ipapalabas ng bagong pelikula ni Quentin Tarantino na kasama niya si Robert Rodriguez .




this is wonderful film from filipino movie
pangit;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;joke
AYOS TO