Sino si Quintin Tarantado?????? Enero 29, 2007
Posted by emperorbananaketchup in Life, anime, katawanan, musika.Tags: Betamax, Blazing Saddles, Caligula, drt, Galaxy Express 999, History of the World Pt. 1, lampungan, Mel Brooks, MySpace, National Lampoon's Animal House, Pulp Fiction, Quentin Tarantino, Radioactive Sago Project, Razorback, Reservoir Dogs, Sandwich, sentai, sine, Space Cruiser Yamato, Spaceballs, The Breakfast Club, Up Dharma Down, Young Frankenstein
1 comment so far
Ako si Quintin Tarantado.
Aba…okey, mayroon naririnig ako na may gumagamit rin ng palayaw na iyan sa blog niya, pero ang kayang bigkas ay quentin tarantado. Lalong pinatunog-Noypi ang penname ko rito.
Ilan sa mga kinahihiligan ngayon ay ang sine, musika at pati anime. Pawang lahat ng mga kinagugustuhan kong pelikula’t tunog ko na nga, puro banyaga naman. Iilan-ilan ko lang mga OPM bands na okey sa akin…Radioactive Sago Project, Up Dharma Down at pati ang Sandwich (noong kapanahunan ng “Artoo Deetoo”). Naging kaklase ko nga ang bahista ng Sandwich na si Myrene noong grade 2-3 pa ako (doon rin naging kaklase ko rin si Miguel Ortigas, dating drummer sa Razorback at drt).
Kung pelikula ang uusapin, aba, maraming ako natututo noong kabataan pa ako nang dahil sa lumang Betamax sa bahay namin sa Sampaloc. Doon napapanood ko ang mga sikat ng komedya ni Mel Brooks katulad ng Blazing Saddles, History of the World Pt. 1, Young Frankenstein at pati rin ang walang-kamatayang Spaceballs. Isang araw, naghiram ako ng isang balang may pamagat na…Caligula. G r a b e !!! As in wow na wow namumulat na nga ako sa saksakan ng lampungan roon…di lang ang lalake sa babae, pero babae sa babae at pati lalake sa lalake (parang sakristan si Alexander the Great sa ka-elan ni Caligula) . Of course naman, dahil uso noon ang mga campus-based sex comedies, napanood rin ako ng mga katulad ng Zapped! at National Lampoon’s Animal House…pero ang di ko makakalimutan ko ang pelikulang The Breakfast Club. Di lang doon kinuha ko ang aking palayaw sa MySpace pero naeenganyo ako sa pag-iinteract ng mga characters sa iisang lugar. Napaaliw ako naman roon na hindi kailangan ang magarbong FX at kung anu-anong de-CGI na tsetseburetse. Doon rin unang napapanood ko rin ang mga obra ng Amerikanong direktor na si Quentin Tarantino, na siyang nag-inspire sa aking ginagamitang palayaw – ang Pulp Fiction at Reservoir Dogs.
Sa larangan ng anime, napatuto rin ako di lang gumuhit na mabuti nang dahil sa anime, nakatuto rin ako bumasa ng mga titik na Hapon. Naalaala ko noong unang pinalabas ang Mazinger Z, Grendaizer, Voltes V at Daimos pati nga ang Star Rangers (Gorenger – ang pinakaunang sentai sa Japan at pinakamatagal) – Ingles pa! – sa GMA-7 at KBS-9. Kahit na inilipol ni Macoy mga anime na yan dahil daw sa kabayulentehan, malalim ang naging dating nila sa nagmumurang isipan ko. Biglang lumawak ang pagpapahilig ko naman nang unang napanood ko sa sinehan ang Space Cruiser Yamato at sa Betamax (di pa uso ang dibidi-dibidi-dibidi-eks pa noon) naman ang Galaxy Express 999 na parehong linikha ng sikat ng animator na si Leiji Matsumoto (siya rin ang lumikha sa ilan sa mga bidyo ng bandang Pranses ang Daft Punk – nag collaborate pa sila para sa isang pelikula, Intastella 5555) .
Abangan ang susunod na kabanata….

